BJMP OFFICER UTAS SA DRUG BUST

patay

LAGUNA – NASAWI sa ikinasang buy bust operation ng mga kagawad ng Provincial Intelligence Unit (PIU) Regional Intelligence Division (RID) 1st LPMFC at Calamba City PNP ang isang opisyal ng San Pablo City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos manlaban sa Brgy. Bunggo, lungsod ng Calamba noong Huwebes ng umaga.

Base sa ulat ni PIU Chief PMaj. Ryan Jay Orapa kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang suspek na si JO3 Joseph Rey Villegas,49-anyos, may asawa, napapabilang sa PRRD Special List, Priority High Value Individual (HVI) Provincial Level at itinuturong Leader ng Villegas Drug Group sa ikalawang distrito ng Laguna at karatig na lalawigan.

Sa imbestigasyon, bandang alas-10:10 ng umaga nang magkasa ng buy bust operation na kung saan ay nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis.

Hinihinalang nakatunog si Villegas na pulis ang ka-transaksiyon nito kaya’t  nanlaban ito gamit ang kanyang service firearm na kalibre 9mm na baril at ginantihan ito na nagresulta ng pagkamatay nito bunsod ng tinamong ilang tama ng bala sa katawan.

Narekober sa suspek ang nasa 11 plastic sachet ng shabu na umaabot sa mahigit na 50 gramo, Suzuki Raider motorcycle, ginamit na Taurus 9mm na kalibre na baril, mga bala at buy bust money na halagang P1 libong piso. DICK GARAY

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *