BONTOC MAYOR, VICE MAYOR POSITIBO SA COVID-19

MT. PROVINCE – MATAPOS magpositibo sa COVID-19 ang alkalde ng Bontoc noong Enero 15 ay nagpositibo rin sa virus ang vice mayor nito noong Enero 24.

Dahil dito, nanawagan si Vice Mayor Eusebio Kabluyen ng Bontoc, Mountain Province sa kanyang naka-closed contact sa loob ng 14 araw na makipag-ugnayan sa Bontoc Municipal Health Office makaraang lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19.

Layon nito na bigyan ng panahon ang contact tracing upang agad ma-isolate ang kanilang sarili para na rin sa seguridad ng kani-kanilang pamilya.

Umapela rin ang nasabing opisyal sa lahat ng kanyang nakasalamuha na makipag ugnayan sa kanilang Barangay Health Units sakaling may maramdaman silang anumang sintomas na may kaugnayan sa COVID-19.

Samantalang nanatili naman asymptomatic si Bontoc Mayor Franklin Odsey matapos itong magpositibo sa virus kung saan ilang opisyal ng lokal na pamahalaan at kawani ng Municipal Local Government Unit (MLGU) ay nasa isolation habang naghihintay ng resulta ng swab test.

Kapwa umapela sina Odsey at Kabluyen sa kanilang nasasakupan na makiisa at sundin ang standard health protocols sa nasabing lalawigan.

Nagpadala ng contact tracers ang DOH-Cordillera sa bayan ng Bontoc noong Linggo ng hapon para sa massive contact tracing dulot ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na sinasabing UK variant na dala ng OFW na umuwi sa nasabing bayan noong Disyembre 2020. MHAR BASCO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *