BTS MATAGUMPAY ANG COMEBACK, LATEST ALBUM BUMENTA NG 2 MILYONG KOPYA SA 20 ORAS

NAKALULULA na ang latest album ng BTS ay  nasa dalawang milyon na ang nabenta.bts

Nobyembre 20 ng alas-2 ng hapon  KST, BTS ay nakamit ng mga ito ang matagumpay na pagbabalik sa kanilang album “BE (Deluxe Edition)” na may  title track na “Life Goes On.”

Kinabukasan ay inianunsiyo ng Big Hit Entertainment na ayon sa Hanteo Chart data, ang “BE (Deluxe Edition)”  ay nakapagbenta ng mahigit sa  2 milyong kopya sa loob lamang ng   20 oras nang ito ay mailabas.

Ang album ay nakapagbenta ng  mahigit isang milyong kopya sa loob lamang ng 30 minuto ng pagkaka- release nito.

Ito na ang tinaguriang fastest album   sa kasaysayan ng Hanteo Chart, at nakapagbenta ng mahigit  1.95 million copies  sa official first day of sales nitong Nobyembre 20.

Nangunguna rin ang “BE (Deluxe Edition)” at “Life Goes On” sa iTunes charts sa buong mundo  na magkasabay na ang album  at  title track  nito ay  No. 1 na   sa may 90 iba’t ibang rehiyon  sa wala pang isang araw na na release ito.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *