BUHAY NG 85-ANYOS NA LOLO TINAPOS NG KAPITBAHAY

ILOCOS NORTE-ARESTADO ng pulisya ang bumaril sa 85-anyos na lolo sa Barangay Burayoc, Pagudpud.

Sa ulat ng Pagudpud Police Station, nakatayo lamang ang biktima sa kubo nang biglang pumasok at binaril ito ng suspek gamit ang improvised shotgun.

Tinamaan ang matanda sa kanang balakang na agad niyang ikinamatay.

Sa manhunt operation, agad nakilala at nahuli ang suspek na kapitbahay ng biktima.

Ayon sa kay PMaj Eduardo Santos, hepe ng nasabing istasyon, kapag lasing ang suspek ay madalas umanong nambabato ito sa bahay ng biktima.

Sa katunayan sabi ni Santos, naka-iskedyul din sana ngayong Linggo na ito ang pag-uusap ng pamilya ng biktima at ng suspek sa barangay tungkol sa madalas na pambabato ng suspek sa bahay ng biktima.

Kasong murder ang kinakaharap ng salarin na hindi na muna pinangalanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *