(Bumaba man) RATING NI DU30 ‘VERY GOOD’ PA RIN

duterte

BAGAMA’T bahagyang bumaba ang naging resulta ng Third Quarter Survey ng Social Weather Stations (SWS) ay nananatili namang ‘very good’ ang nakuhang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nasabing survey, nakakuha ang Pangulo ng +65 na rating, bahagyang mababa kumpara sa +68 na nakuha niya noong  June  2019 survey.

Sa survey na isinagawa noong Setyembre  27 hanggang 30 ay 78% ng respondents ang nagsabing sila ay satisfied o kuntento sa performance ng Pangulo, 13% ang dissatisfied at 9% ang undecided.

Sa Metro Manila at Visayas ay nakapagtala ng pagtaas ng satisfaction rating ang Pangulo.

Gayunman, malaki ang naitalang pagbaba sa Balance Luzon at sa Mindanao.

Ayon kay  Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinagkibit-balikat lamang ng Pangulo ang survey numbers dahil hindi siya interesado sa kahit na anumang popularity contest na may kaugnayan sa kanyang governance dahil tumaas man o hindi ang kanyang satisfaction rating ay mananatiling hindi ito apektado.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *