CALAMBA BUBBLE TAMPOK SA PSA FORUM

Marc Velasco

MAGIGING panauhin sina Philippine Sports Commission (PSC) National Training Director Marc Velasco at Karate Pilipinas Inc. President Richard Lim sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum ngayong Martes.

Magbibigay ng inputs si Velasco hinggil sa bubble training na isinasagawa ng tatlong National Sports Associations (NSAs) sa loob ng Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa kani-kanilang Olympic qualifying tournaments.

Tatalakayin naman ni Lim, na ang NSA ay kabilang sa nasa Laguna, ang kampanya ng karatekas para sa Olympic berth, gayundin ang na-postpone na pag-daraos ng 6th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) kung saan siya ang Chef de Mission ng Philippine delegation.

Ang 10:00 a.m. session ay naka-livestream via  PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation  at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *