CANCER PATIENT INIHATID NG PULIS SA OSPITAL

PINURI ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang mga miyembro ng Eastern Samar Police nang tulungan ng mga ito sa paghahatid sa ospital ang isang babaeng cancer patient na nakatira sa isla na malayo sa siyudad.

Ang pasyente na nakatira pa sa isla ng Dolores, ay nangailangan ng masasakyan para magtungo sa Eastern Visayas Regional Medical sa Tacloban City sa Leyte para sa kanyang chemotherapy treatment.

Subalit dahil liblib ang pook ay pahirapan ang transportasyon kaya naman tinulungan siya ng mga opisyal ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company para maisakay sa pump boat hanggang makarating sa nasabing ospital.

Bukod sa paghahatid at pagsundo sa pasyente sa ospital ay nakatanggap pa ito ng financial assistance sa pulisya para sa kanyang medication and treatment.

“Saludo ako sa pagtulong na ginawa ninyo. Sana ay huwag kayong magsawa sa pagtulong sa mga residente sa anumang pangangailangan nila,”bahagi ng congratulatory message ni Eleazar sa mga pulis.
EUNICE CELARIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *