PAMPALIPAS-ORAS  NANG ‘DI MABAGOT (Ngayong bawal ang lumabas ng bahay)

KINABABAGUTAN ng marami ang manatili sa bahay. Ngunit ngayong mga panahong ito na hindi puwedeng lumabas, puwersado tayong maglagi sa bahay. Mahalaga nga naman ang kaligtasan ng bawat isa nang hindi mahawaan ng kumakalat na sakit. Nakakakaba nga naman ang mga pangyayari. Hindi natin alam kung  kailan magtatapos ang problemang kinahaharap ng bawat isa sa atin at ng bansa. Kailangan nating magtulungan. Kailangan nating mag-ingat. At dahil karamihan sa atin ay mananatili sa bahay nang maiwasang madapuan ng lumalaganap na sakit, narito ang ilangpampalipas-oras nang ‘di mabagot sa loob ng tahanan: MAGLINIS NG BUONG BAHAY Laging pinoproblema ng marami sa atin ang kawalan ng panahong maglinis ng buong bahay. Kaliwa’t kanang obligasyonnga naman ang kinahaharap ng bawat isa sa atin. Marami ring empleyado na kahit na Sabado at Linggo ay kailangan pa ring magtungo sa opisina at magtrabaho. Ngayong panahong bawal o hangga’t maaari ay hindi puwedenglumabas, isa sa mainam gawin ang paglilinis ng buong bahay. Importante rin kasing nasisiguro nating malinis ang kabuuan ng ating tahanan nang maiwasan ang pagkakasakit. Mainam din kung magdi-disinfect ng tahanan. BLOCK, BOARD, CARD, PUZZLE O WORD GAMES Ilan din sa laro na puwedeng subukan ng bawat pamilya na may challenge […]