CCMC HANDA NA SA VACCINATION ROLLOUT

HANDA na ang Caloocan City Medical Center (CCMC) sa pagsisimula bukas ng vaccination rollout para sa mga health worker nito.

Ayon kay CCMC Administrator Dr. Fernando Santos, sa kabuuang 457 hospital staff, nasa 149 sa kanila ang pumayag na magpabakuna ng Sinovac vaccine.

“Inaasahan natin na tataas pa ang bilang ng mga papayag magpabakuna kapag may mga nabakunahan na sa hanay ng ating mga health worker,” ani Dr. Santos.

Nasa 300 doses ng bakuna ang dumating kahapon sa CCMC para sa pagsisimula ng vaccination rollout ngayong araw.

Nagsasagawa ng pre-assessment ang vaccination team ng CCMC sa mga staff nito na pumayag magpabakuna.

Alinsunod ito sa direktiba ng lokal na pamahalaan ng Caloocan na tiyaking handa ang lahat at magiging maayos ang monitoring para sa mga kawani na babakunahan. EVELYN GARCIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *