CHINESE HUMAN TRAFFICKING TUTULDUKAN

Chief-Superintendent-Guillermo-Eleazar

NAKATAKDANG  makipagpulong si National Capital Region Police Office (NCRPO) director P/Major General Guillermo Eleazar sa kanilang counterpart sa China upang bigyan ng solusyon ang problema ng Chinese human trafficking sa bansa.

Ayon kay Eleazar, nakatakda siyang makipagpulong bukas sa police attache ng China upang talakayin ang mga problema kaugnay rito.

Ang pakikipagpulong ni Eleazar ay bunsod sa sunod-sunod na pagsalakay sa ilang establisimiyento kamakailan lamang partikular sa lungsod ng Makati at Parañaque kung saan ibinubugaw ang mga babaeng Chinese nationals bilang mga prostitute sa kanilang mga kababa­yang lalaki.

Pangunahing punto ng kanilang pag-uusapan ay ang pakikipagtulu­ngan ng mga awtoridad ng China upang hindi na makapagpatayo pa ng mga prostitution den ng mga Chinese sa Metro Manila.

Nais nila na maki­pag-uganayan sa mga Chinese counterparts ng China upang makapagtatag pa ng raid, hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa mga lugar na maraming mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) kung saan maraming mga Chinese national na nagtatra-baho bilang mga ilegal worker.

Matatandaan na may apat nang sex den  ang sinalakay ng mga awtoridad sa lungsod ng Parañaque at Makati kung saan umabot na sa mahigit 1,000  sex workers na Chinese ang na-rescue at pagkakaaresto rin ng mga Chinese customers nito. MARIVIC FERNANDEZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *