CHINESE PHARMA COMPANY UMATRAS SA VACCINE TRIALS SA PH

Fortunato de la Peña

NAGBAGO ang isip ng   Chinese pharmaceutical company na Sinopharm at hindi na tutuloy sa pagsasagawa ng COVID-19 vaccine clinical trials sa Filipinas.

Sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña, hindi na nila ipupursige pa ang clinical trials dahil  umatras na ang pharmaceutical company sa hindi malamang kadahilanan.

Ang Sinopharm ay isa sa anim na kompanyang lumagda sa confidentiality disclosure agreement (CDA) sa Filipinas.

“Before, they said that they want to provide a supply of vaccines as well as to get involved in the clinical trials phase 3 in the Philippines, but later on they have communicated to us that they are still interested in the supply side but they are no longer going to conduct clinical trials phase 3,” pahayag  ni de la Peña.

Samantala, ang Isa pang Chinese manufacturer na Sinovac ay binigyan ng go signal na magsagawa ng clinical trials sa Ganda pero kailangan pa ng clearance mula sa Ethics board bago sila makapag-umpisa.

Nasa proseso       naman ang Gamaleya Research Institute of Russia SA paghahanap ng isang local contact research organization na makikipagtulungan sa kanila sa pagkumpleto ng requirements para sa kanilang application sa clinical trials.

Habang ang pharmaceutical company na Janssen na nakabase sa Belgium ay wala pang science agreement sa Filipinas, pero nagpasa ng application para sa clinical trials.

May mga kompanya rin mula Australia at Taiwan ang lumagda ng confidentiality disclosure agreement sa bansa at handa silang magpasa ng kinakailangang requirements para sa pagsasagawa ng clinical trials dito.

Nagkikipag-ugnayan din any Filipinas sa 17 biotech at pharmaceutical companies mula sa pitong bansa sa mundo na mayroong bilateral science and technology agreements. NENET VILLAFANIA

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *