CHOOKS 3X3 CROWN SA ZAMBOANGA CITY

chooks 3x3

INANGKIN ng Zamboanga City-Family’s Brand Sardines ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup makaraang pataubin ang Nueva Ecija Rice Vanguards kahapon sa grand finals.

Pinakawalan ni Joshua Munzon ang game winner na nagbigay sa Zamboanga City ng 22-19 panalo laban sa Nueva Ecija sa kanilang ‘Million Peso Game’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Naging bayani ang  Fil-Am sa huling  1:11 minuto makaraang masupalpal ang karamihan sa kanyang mga tira sa grand finals.

Sa panalo, ang Zamboanga City ay nag-uwi ng P1 milyong premyo.

Nagkasya ang Nueva Ecija, na pinangunahan ni Jai Reyes, sa P300,000 second prize.

Bago ang duelo sa Zamboanga ay kinailangang malusutan ng Rice Vanguards ang Uling Roasters-Butuan City, 20-19, sa semis sa kabila na naglaro na may tatlong tao lamang.

Ginapi naman ng Zamboanga City ang Pasig-Sta. Lucia Realtors, 21-16, sa isa pang semis match.

Iskor:

Zamboanga City (22) – Munzon 7, Pasaol 7, Santillan 4, Rike 4.

Nueva Ecija – Reyes 8, Banal 6, Gonzaga 6.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *