CLAIMANT NG P6.8 M SHABU ARESTADO

PAMPANGA-NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Customs ng Port of Clark ang sinasabing consignee ng 1,000 gramo ng shabu na aabot sa P6.8 milyon habang kini-claim ito.

Ayon sa impormasyon, inilagay ang shabu sa loob ng imported Air Fryer, kung saan dumating ito noong Pebrero 16 galing sa Shah Alam, Malaysia, at idineklara bilang Air Fryer.

Batay sa report na nakarating sa pamunuan ng BOC sa Manila, itinago ang dalawang black plastic packs ng shabu sa loob ng Frying pan at Air Fryer upang malayang makalabas sa bakuran ng ahensiya.

Agad na nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention (WDS) si Port of Clark District Collector Atty. Ruby Alameda hinggil sa paglabag ng R.A. No. 9165, Sections 118 (g), 119 (d) and 1113 (f), (i) & (l) of R.A. No. 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to R.A. No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. FROILAN MORALLOS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *