“CLOY” ACTRESS SON YE JIN BUMILI NG S$19 MILLION BUILDING SA SEOUL

SON YE JIN

NASA tuktok ng kasikatan ngayon ang South Korean actress na si Son Ye Jin o mas kilala sa kanyang role bilang si “Yoon Se-Ri”, sa isa sa pinakasikat na K-drama ngayong 2020–ang “Crash Landing On You”, na nagbigay ng mas maraming endorsement at oportunidad sa aktres.

Napabalitang bumili ng commercial building noong Hulyo ang aktres na nagkakahalaga ng 16 bilyon Won (S$19 million) sa Sinsa-dong, parte ng sikat na Gangnam district sa Seoul.

Binayaran ng 38-taong-gulang na aktres ang anim na palapag na gusali ng 4 bilyon Won (S$4.7 milyon) ng cash at kumuha ng loan para sa natitirang halaga na 12 bilyon Won (S$14.2 milyon).

Mayroong sukat na 1,567 sqm ang gusali kung saan mayroon itong plastic surgery clinics, make-up stores at iba pang beauty stores. Tinata-yang nagkakahalaga ang renta ng 45 milyon Won (S$53,400) kada buwan, na may paunang deposito na 500 miyon Won (S$594,000).

Kahit na medyo nasa katandaan na ang gusali, 22 taon, at hindi pa muling naipapaayos, ngunit napangangalagaan ito nang maayos at nasa magandang lokasyon na may lumalaking populasyon, kaya naman paniguradong agad na mababawi ng aktres ang kanyang pinuhunan.

Hindi ito ang unang property investment ni Son Ye Jin dahil noong 2015 ay bumili rin siya ng isang gusali sa Mapo-gu district sa halagang 9.35 bilyon Won (S$11.1 milyon) at ibinenta makalipas ang tatlong taon ng 13.5 bilyon Won (S$16 milyon), kung saan ay kumita ang aktres ng 4 bilyon Won (S$4.7 milyon). AIMEE GRACE ANOC

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *