CONCHA’S CAFÉ NI ALDEN SA TAGAYTAY AT CAVITE APEKTADO NG ASHFALL

NOON pang Sunday afternoon, January 12, 4:50 PM, nag-tweet na si Daddy Bae nishowbiz eye Alden Richards ng photo ng Taal Volcano na nagbubuga na ng makapal na usok mula sa main crater. @R­_FAULKERSon Taal Volcano ATM (at the moment).

Ang unang Concha’s Cafe ni Alden sa The Cliff, Tagaytay, ay overlooking ng Taal Volcano kaya nagiging tourist attraction din ito ng mga kumakain sa mga restaurants sa paligid nito.  May mga times na kung maulap ang langit, hindi mo makikita ang Taal Volcano dahil nga mababa lamang ito at napapaligiran ng tubig.

As per report pang natanggap namin last Sunday, apektado rin ang dalawa pang Concha’s Cafe ni Alden dahil sa makapal na ashfall na bumagsak.  Ang isa pa ay ang Concha’s Cafe sa Silang, Cavite at ang Concha’s Cafe sa Tagaytay Highlands.  Nawalan na rin kasi ng electricity sa Tagaytay at iba pang karatig na lugar.

Kababalik din lamang ni Alden from Tokyo, Japan, pero dasal na lamang ang ginawa niya para sa kaligtasan ng lahat na apektado ng Taal Volcano eruptions.

Kahapon, Monday, nag-report na rin si Alden sa taping ng kanyang inspirational drama na “The Gift” for GMA Network.  Ilang linggo na lamang mapanonood ang “The Gift” kaya masasagot na rin ang maraming katanungan.  Request ng mga netizens, mas mahaba-haba raw naman sanang eksena na magkakasama ang mag-inang Nadia (Jean Garcia) at Sep (Alden).

Ganito rin ang nangyari kahapon sa iba pang mga artista na may kani-kaniyang teleseryeng ginagawa, kasama na lamang ang pag-iingat dahil everywhere na ang inabot ng ashfall.

Prayers for everyone’s safety.

May work ang mommy

DINGDONG DINALA SA SET SI ZIGGY

MAY work si Mommy Marian Rivera-Dantes, kaya naman isinama ni Daddy Dingdong Dantes ang bunsong anak nilang si Jose Sixto Dantes IV o si Ziggy.  Tuwang-tuwa naman ang mga kasama ni Dingdong sa set ng “Descendants of the Sun.”

Tuloy-tuloy kasi ang taping ng buong cast ng Philippine adaptation ng Korean drama dahil malapit na itong mapanood sa primetime telebabad ng GMA Network.  Makakasama ni Dingdong sa cast sina Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith at marami pang iba.  Kaya naman excited na ang  fans na naghihintay na itong mapanood.

SERYE NINA TOM AT CARLA HINIHINTAY NG NETIZENS

ISA pa ring hinihintay ng netizens na mapanood, ang muling pagtatambal ng real life sweethearts na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.  Matagal na silang nami-miss ng kanilang mga fans kaya natuwa sila nang bigyan sila ng isang drama series, ang “Love of My Life,”

Malapit na rin ang Valentine’s Day kaya naman sweet na sweet si Tom sa girlfried. At kahit magkasama sila sa taping ng serye, pinili pa rin ni Tom na idaan sa Instagram ang paghaharana niya kay Carla na in-upload niya at napanood ng lahat.  “It’s Always You” ni Chet Baker ang harana niya na nagsasabing miss na miss na niya ang girlfriend.

Isa namang matunog na “Aylabyu!” ang short but sweet comment ni Carla.

Next month na mapapanood ang “Love of My Life” na tampok din sina Rhian Ramos, Mikael Daez at si Ms. Coney Reyes, sa GMA Primetime Telebabad.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *