CONSUMER GROUP UMAPELA NA ‘WAG ALISIN ANG PRIBADONG GRUPO SA PAG-IINSPEKSIYON SA SASAKYAN

MULING umapela ang isang consumer advocacy group kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ukol sa pagpapanatili ng operasyon ng private motor vehicle inspection centers (PMVICs).

Ito raw ay isang hakbang na pinaniniwalaang makapagtatama ng mga pagkakamali ng mga dating administrasyon, at pinaniniwalaan ding alinsunod sa mandato ng Clean Air Act.

Ayon sa pahayag ni Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya Para sa Mamamayan (AGHAM) President Angelo Palmones, dapat suriing mabuti ang isyu ng ating kalikasan kung bakit lumalala ang polusyon sa ating bansa. Ang kinaugalian na Private Emission Testing Centers (PETC) ay palpak daw sa pagpapatupad ng mahigpit na polisiya sa smoke belching na maraming mga sasakyan, lalo na ang mga bus, jeepney at mga lumang sasakayan, na nakakalusot sa PETC maski na sa kasalukuyang paghihigpit na pagbiyahe ng mga sasakyan sa kasagsagan ng lockdown sa bansa.

Dagdag pa ni Palmones na ang Republic Act No.8749 o ang Clean Air Act ay isinabatas upang masigurong malinis ang kalidad ng ating hangin para sa kalusugan ng bawat Pilipino. Magiging matagumpay ang diwa ng nasabing batas kapag nagkaisa ang mga motorista na suportahan ang mas moderno at pinagbatayan ng siyensya na PMVIC.

Sinuportahan naman ng Laban Konsyumer Inc., sa pamumuno ng abogadong si Vic Dimagiba, ang mga pahayag ni Palmones. Ayon kay Dimagiba, “Laban Konsyumer Inc. supports the advocacy of AGHAM for the transport agencies to implement now the PMVIC, which has been a much-delayed project for the past three to four administrations.”

“Millions in foreign aid as well as local appropriations has been spent and this is a project that complies with the specific mandate of the Clean Air Act,” dagdag pa niya.

Ayon kay Dimagiba, bilang kompromiso, maaari pa ring magpatuloy sa operasyon ang PETCs sa mga lugar na walang PMVICs basta may kasiguraduhan na ito ay may sapat na kakayahan at na ginagampanan nila ang kanilang tungkulin na suriin ang mga sasakyan.

Binigyang-diin ni Palmones na ang pagbibigay ng responsibilidad sa PETCs at sa visual inspector ng Land Transportation Office (LTO) District Office sa pagsusuri kung ang isang sasakyan ay karapat-dapat pang pahintulutang bumiyahe at kung ito ay sumusunod sa panuntunan ukol sa exhaust emission ay hindi naging epektibo. Mananatili itong hindi epektibo hanggang hindi ito isasailalim sa pagbabago.

Sinabi pa ni Palmones na matindi pa rin ang mga ‘fixer’ sa LTO at maaari pa rin daw na hindi pumunta o magpakita ang may-ari upang iparehistro ang kanilang sasakyan. May kuntsabahsn sa loob ng PETCs, insurance companies, at sa LTO District Offices, kaya hindi tayo nakasisiguro na ang lahat ng mga sasakyan sa lansangan ay maayos at ligtas sa aksidente.

Ayon pa kay Palmones, ang debate sa pagitan ng PMVIC at ng PETC ay wala nang kaugnayan sa ekonomiya dahil ibinaba na ng PMVIC sa P600 ang singil nito, kapantay ng singil ng PETCs.

Samantala, ang DOTr at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pamamagitan ng Climate Change Commission ay dapat bigyang-diin na ang kapaligiran ang mas dapat bigyang prayoridad kaysa sa mga motorista at iba pang mga stakeholder nito.

“PETCs and the culture of non-appearance that they’ve perpetrated in renewals of vehicle registration have failed to arrest the worsening problem on greenhouse gas (GHG) emissions,” ani Palmones.

Ang dami ng mga GHG sa atmospera ay nagsisilbing ‘kumot’ na humaharang sa init kaya ito ay nananatili sa kapaligiran. Bilang resulta, mas pinabibilis nito ang climate change at ang kabuuang pagtaas ng temperatura sa buong mundo. Ito ay napatunayang may negatibo at mapaminsalang epekto.

Binigyang-diin din ni Palmones na ang sektor ng transportasyon ang pangunahing pinagmumulan ng polusyon sa hangin sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *