COVID-19 CASES SA PARAÑAQUE BUMABA NA

Edwin Olivarez

SA patuloy na pakiki­paglaban sa pagkalat ng COVID-19, bumaba na  ang bilang ng may aktibong kaso ng naturang virus sa lokal na pamahalaan ng Parañaque.

Sa datos na isinumite ng ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, sa kabuuang bilang na 5,732 pasyente na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay nakapagtala na lamang ang lungsod ng 496 aktibong kaso nito.

Nakasaad din sa report ng CESU, 5,096 na pasyente ng naturang virus ang naka-recover na sa naturang sakit habang 140 naman ang sumakabilang buhay na.

Sinabi ni Olivarez, ang lungsod ay may 1,000 isolation facilities kung saan pawang mga may kumpirmadong kaso ng COVID-19 lamang ang ginagamot dito habang ang may mga kaso naman ng probable at suspect ay nakahiwalay sa ibang isolation facilities.

Bukod pa rito, ang mga container van na ginawang COVID-19 isolation rooms na may 56 na kuwarto na donasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lokal na pamahalaan noong nakaraang buwan.

“Malaki ang naitulong ng container vans na ginawang isolation facilities sa paghihiwalay ng mga pasyente na nagpositibo, may kasong probable at suspect sa kanilang komunidad upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19,” diin ni Olivarez.

Samantala, sinabi naman ng hepe ng city public information chief (PIO) na si Mar Jimenez na ang lungsod ay mayroon ng 150 contact tra­cers na itinalaga sa 16 na barangay sa Parañaque ngunit nangangailangan pa rin  sila ng karagdagan pang 600 contact tracers.

Sa kasalukuyan, nagpapatayo rin ng  ang lokal na pamahalaan ng sariling molecular laboratory na matatagpuan sa Ospital ng Paranaque II (OsPar II). MARIVIC FERNANDEZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *