COVID-19 SURVIVOR NAKARARANAS NG PSYCHIATRIC PROBLEM

covid

NAKARARANAS ng neurological o psychiatric problem ang isa sa bawat tatlong pasyente na nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa pag-aaral ng The Lancet Psychiatry Journal, nakitaan ng malaking tyansa na magkaroon ng kondisyon sa utak kaysa makaranas ng respiratory tract infections ang mga nakarekober na COVID-19 patients.

Ilan sa mga halimbawa ng sinasabing psychiatric diagnosis ay ang anxiety at mood disorders; kasama naman sa posibleng neurological disorders ay ang brain hemorrhage, stroke at dementia.

Isinagawa ang pagsusuri sa 230,000 na pasyente na gumaling sa COVID-19 kung saan nakitang ang tatlumput apat na porsiyento ang na-diagnose ng ilan sa mga nabanggit na neurological at psychiatric condition sa loob ng anim na buwan. DWIZ882

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *