DAGDAG PRESYO SA LPG SASALUBONG SA UNDAS

LPG TANK-2

INANUNSIYO ng Petron Corp. ang pagtataas sa presyo ng kanilang liquefied petroleum gas products simula sa susunod na buwan.

Ayon sa Petron, ang presyo ng household LPG ay tataas ng P3.20 per kilogram. Katumbas ito ng P35.2 dagdag sa 11-kilogram household LPG tank.

Tataas din ang presyo ng Auto LPG ng P1.79 per liter.

Epektibo ang price adjustments sa Nobyembre 1, alas-12:01 ng umaga.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of November,” ayon sa Petron.

Sa datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng isang 11-kilogram LPG tank ay nasa P571 hanggang P731.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *