(Dahil sa COVID-19 pandemic) $250-B LUGI NG AIRLINE INDUSTRY

Alexandre de Juniac

PUMALO na sa mahigit $250-B ang lugi ng  air transport industry magmula nang maharap sa coronavirus 2019 (COVID-19) crisis ang mundo.

Ayon kay Alexandre de Juniac, Director General ng International Air Transport Association (IATA), paralisado ang halos lahat ng operasyon ng mga airline sa maraming bansa dahil sa takot ng pagkalat ng COVID-19.

Ani Juniac, isa sa pinakaapektado ng pagbagsak ng stocks ay ang airline industry at pinangangambahang maapektuhan ng global recession.

Sinabi naman ni IATA Chief Economist Brian Pearce na pinakananganganib ang European airlines dahil sa 90% na pagbagsak nito sa ikalawang bahagi ng 2020. DWIZ 882

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *