DATING PULIS, 1 PA PATAY SA RIDING IN TANDEM

ZAMBOANGA CITY-DEAD on the spot ang isang dating pulis at kaangkas nito sa motorsiklo matapos pagbabarilin sa Barangay Maasin sa lalawigang ito.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis, kinilala ang dating kasamahan sa serbisyo na si Wilfrido Montuno, 54-anyos at kaangas na si Jose Buhat.

Batay sa imbestigasyon, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima at papauwi na sana sa kanilang bahay nang dikitan ng mga salarin at pagbabarilin.

Inabot ng kanilang dagliang kamatayan ang dalawa sanhi mga tinamong tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan .

Habang nagawang makalayo kaagad sa crime scene ang mga hindi pa nakikilalang suspek.
Patuloy ang imbestigasyon na ginagawa ngayon ng Philippine National Police para alamin ang motibo ng pamamaril at posibleng kakikilanlan ng mga salarin. VERLIN RUIZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *