DENR AT DOH IINSPEKSIYUNIN ANG PINAGLIBINGAN NG MGA BABOY SA ANTIPOLO

BABOY-6

NAKATAKDANG inspeksiyunin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Health (DOH) ang pinaglibingan nang nasa 500 pinatay na baboy sa Antipolo, Rizal.

Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Director Ronnie Domingo, kinailangan kasing mailibing nang mabilisan ang mga baboy.

Sa pahayag naman ni DOH-Calabarzon Director, Dr. Ed Janairo, dapat lagpas sa 25 metro ang layo ng  hukay sa daluyan o pinagkukunan ng tubig para hindi makaapekto sa kalusugan ng mga tao ang pag-agnas ng mga baboy.

Para naman kay Environment Usec. Benny Antiporda, pag-aaralan nila ang lalim ng hukay at distansiya nito hindi lang sa ilog kundi maging sa kabahayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *