DEPLOYMENT BAN SA HEALTH WORKERS INALIS NA NI DUTERTE

DEPLOYMENT BAN SA HEALTH WORKER

TINAPOS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ban sa pagpapadala ng mga healthcare worker sa ibang bansa, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

“The president already approved the lifting of the temporary suspension of deployment of nurses and other medical workers,” sabi ni Bello.

Aniya, bumabagal na ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa at bumubuti na ang sitwasyon kaya makakayanan na ng pamahalaan na paalisin ang mga healthcare worker.

Para masiguro na may sapat na medical professionals ang bansa para ipagpatuloy ang paglaban sa pandemya, 5,000 healthcare workers lamang ang papayagang mangibang-bayan kada taon.

“We are starting only with a cap of 5,000 so we will not run out (of medical workers), but this may increase eventually,” ani Bello.  s

Sa datos mula sa Commission on Higher Education (CHED) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA), noong nakaraang taon ay halos 17,000 nurses ang pumirma ng overseas work contracts.

Noong Abril ay ipinagbawal ng gobyerno ang pag-alis sa bansa ng mga nurse, doctor at iba pang medical workers dahil kailangan sila sa paglaban sa coronavirus crisis.

Ikinatuwa ng mga healthcare worker ang pag-aalis sa ban subalit hinamon ni Maristela Abenojar, presidente ng Filipino Nurses United, ang pamahalaan na tuparin ang pangako nitong tataasan ang sahod ng mga nurse para hindi na umalis ang mga ito ng bansa.

Ang mga Filipino health worker ay frontliners din sa mga ospital sa United States, Europe at Middle East.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *