DEREK AT ANDREA MULING MAGKASAMA SA PROYEKTO

MAY bagong project nang sisimulan ngayong taon ang Kapuso actor na si Derek wallfaceRamsay. Matagal-tagal na rin namang natapos ang una niyang proyekto sa GMA-7, ang “The Better Woman” kasama ang kanyang gf na si Andrea Torres.

Sa panga­lawang pagkakataon, silang dalawa ang magkasama sa new project na malapit nang umpisahan ni Derek. Ani ng actor sa isang panayam, na­ging special ang taon na 2019 sa kanya dahil dito niya nakilala ang gf. Kung kaya nais din ni Derek gawing special ang 2020 sa pagsasama nilang muli ni Andrea sa isang proyekto.

Aminado naman si Derek na si Andrea ang nagpapasaya sa buhay niya ngayon at open siya sa posibilidad na sa kasalan matutuloy ang kanilang relasyon. Sabagay, wala namang problema kung pakakasal silang dalawa, nasa wastong edad na sila at parehong walang sabit, si Andrea ay dalaga samantalang annulled na rin ang kasal ni Derek.

BIANCA UMALI INIHAHANDA ANG SUPPORTERS SA KANYANG PAGPAPA-SEXY

BAGO matapos ang taong 2019 ay may pasabog na kaseksihan si Bianca Umali sa kanyang social media account, isang super sexy photo sa beach, tinagurian na Summer in December.

Pagpasok na bagong taon, isa na namang sexy picture ang kanyang pinost kung saan ay nasa isang mini pool siya wearing 2 piece bikini, super sexy ang hitad. Unti-unti nga bang itinatanim ni Bianca sa kaisipan ng kanyang supporters na she’s going sexy this 2020 and be prepared for it?

Ani naman ni Bianca, wala raw sa isipan niya ang ganun intensiyon. Feel lang daw niyang mag-post ng mga pictures niya in swimwear, hindi para maging sexy star kundi para sa kanyang sarili. Gusto niya kasi na maging maganda ang memories ng kanyang kabataan ang mga sexy photos na kuha niya.

Paano naman kaya ang mga kapamilya niya na nagpalaki sa kanya, aprub kaya ito sa family ni Bianca? Say ng dalaga, supportive naman ang kanyang pamilya sa mga ginagawa niya sa kanyang showbiz career and personal life.

Sa huli ay sinabi ni Bianca, sa lahat naman ng kanyang ginagawa lalo na pagdating sa pagpapa-sexy ay may limitasyon ang dalaga. Sa ngayon ay bisi-bisihan si Bianca sa pagsisimula ng kanyang kauna-unahang international project, ang isang mini-serye para sa HBO, ang “Halfworlds”.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *