DEREK MAY INAMIN SA BREAKUP NILA NI ANDREA

WALANG third party. Ito ang pahayag ng aktor na si Derek Ramsay nang kumpirmahin  ang breakup nila ni Andrea Torres.Umugong ang balita nang mapuna ng netizen na inalis ni Andrea ang.mga post at photos nilang dalawa ng nobyo sa Instagram. Nagkanya-kanyang un follow rin ang mga ito sa isa’t isa sa IG.

Nitong Huwebes ay nag-post si Derek ng litrato ng birthday celebration ng  kanyang ina sa Instagram. Isang netizen ang nagkomento sa post at inakusahan  si Andrea ang dahilan  breakup.

Agad namang idinepensa ni Derek ang ex-girlfriend.”Please don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party!” ayon sa aktor.

Humingi rin ito ng respeto sa kanilang followers.

“We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves,” dagdag pa ni Derek.

“Mahal ko si Ada kaya ‘di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her.”

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *