DEREK RAMSAY NAMANHIKAN KAY EL-LEN ADARNA

MEET the parents ang peg ni Derek Ramsay matapos na pormal na hingin nito ang kamay ni Ellen Adarna sa kanyang mga magulang. Anim na buwan nang engage ang dalawa at nagpaplano na ngang magpakasal. Matagal na sanang gustong makaharap ni Derek ang ina ni Ellen, pero nabinbin ito dahil sa community quarantine.

Kahit ang mga ina ng dalawa na sina Meriam Adarna at mommy at Remedios Ramsay ay masaya sa nasabing pamamanhikan.

Ang pamamanhikan ay Filipino tradition kung saan pormal na hihingin ng lalaki sa mga magulang ng babae ang permiso upang pakasalan ang kanilang anak.

Sa pamamanhikan, itinatakda ang araw ng kasal, mga ninong at ninang, mga abay, venue ng reception, simbahan at kung anu-ano pa. Dapat ay sa bahay magaganap ang pamamanhikan, ngunit sa kaso nina Ellen at Derek, ginanap ito sa isang boutique resort sa Siargao. Nasa Siargao rin ang ama ni Derek na si Arthur Ramsay at ibang mga kaanak ni Ellen.

Sobrang bilis ng love affair nina Derek at Ellen.

Nagkakilala sila noong January 2021 nang yayain ni John Estrada si Derek na sumunod sa meeting nila ni Ellen para sa TV5 sitcom nila na John en Ellen. Mula noon, inim­bita na ni Derek sina John, Ellen, at ilang piling mga kaibigan na mag-dinner sa bahay niya sa Alabang.

Napadalas ang pagkikita nina Derek at Ellen na nagkataong magkapitbahay pala, at nabuo na nga ang love story hanggang sa maging magkasintahan sila noong February 4, 2021, at na-engage noong March 30, 2021. Ambilis, di po ba? Considering na pareho lamang kahihiwalay nila sa kanilang mga ex, at si Ellen ay may maliit pang lovechild.

Aminado naman si Derek na wala pang isang buwan silang nagkakasama ni Ellen ay alam na niya agad na ito ang babaing gusto niyang makasama habambuhay, kaya nga sa malao’t madali, ay magpapakasal na sila. Hay, ang pag-ibig nga naman. – KAYE NEBRE MARTIN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *