DIABETIC FOOT AT ANG KAHALAGAHAN NG MAAYOS NA SUGAR CONTROL

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

ANG Diabetic foot ay isang chronic or late onset na complication ng isang taong may Diabetes Mellitus. Ang isang taong may Diabetes ay may problema sa tamang pag-cocontrol ng Glucose sa kanilang katawan. Ang “Glucose Spikes” or malimit na pagtaas at pagbaba ng Glucose level sa katawan ay mayroong long term complications. Maaring ang consistent na pagtaas ng Glucose sa katawan ay walang manifestation sa simula, ngunit makaraan ng ilang taon ang mga pasyente ay nagkakaroon na ng sakit na related sa Ugat or Nerves, at mga blood vessels.

Ang Diabetes ay maaring makaapekto sa ating mga paa sa pamamagitan ng complication nito sa katawan tulad ng Diabetic Neuropathy at Peripheral Vascular Disease.

Ang Diabetic Neuropathy ay nagsasanhi ng “loss of sensation” sa ating mga paa, ang mga pasyente ay hindi ganuon makaramdam ng init, lamig or touch sensations, at ito ay maaring mag cause ng mga injuries or sugat tulad na lamang kapag ang isang tao ay nakatapak ng isang matulis na bagay.

Ang Peripheral Vascular Disease ay sanhi ng mabagal na pagdaloy ng dugo sa ating mga peripheral vessels patungo sa ating mga paa. Kapag ang isang tao ay nagkasugat, ang pinakaimportante upang gumaling at maghilom ito ay ang normal na daloy ng dugo. Ang dugo ang nagdadala ng mga Immune Cells upang labanan ang infection at mga substances upang mapabilis ang paggaling ng ating mga sugat. Dahil nga sa mabagal na pagdaloy ng dugo dahil sa epekto ng Diabetes sa ating mga blood vessels, ang taong may Diabetic foot ay nakakaranas ng sobrang delayed na “Healing Process”.

Ang common na simtomas ng taong may Diabetic foot ay isang sugat na napakabagal gumaling despite ng multiple na gamot na binibigay sa pasyente, ang sugat na ito ay maaring maging sanhi ng pagkabulok ng mga soft tissues, muscles at pati na din ng buto ng mga paa. Sa bandang huli kapag ito ay hindi naagapan, ang tanging solusyon sa Diabetic foot na may necrosis or sobrang pagkabulok, ay surgical amputation or pagputol ng paa.

Ang Diabetic foot ay nangyayari lamang sa mga taong mayroong Diabetes. Ito ay maagapan sa pamamagitan ng pag-inom ng tamang Diabetic medications na bigay ng ating mga doctor upang ma-control ang Glucose sa katawan. Ang tamang exercise at tamang pagkain ay nakakatulong din upang ang Diabetic foot ay maiwasan. Kailangan na pangalagaan ang mga paa sa pamamagitan ng pag-suot ng angkop at malalambot na sapatos at tsinelas, tignan ng palagian kung ito ay mayroong sugat blisters or simpleng abrasion at wag itong pabayaan, at lagyan ng moisturizer ang mga paa upang maiwasan ang dryness na maaring sanhi ng sugat dahil sa friction.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa samuelzacate@yahoo.com o mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link ( https://www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem-995570940634331/)    – Dr Samuel A Zacate

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *