SINUPORTAHAN ng Department of Health ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar dahil wala namang mabuting maidudulot sa kalusugan ito.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na kinilala ng World Health Organization at ng US Centers for Disease Control ang EVALI or E-cigarette and Vape-Associated Lung Injury bilang isang sakit.
Sinabi nitong parehong delikado ang e-cigarette at ang sigarilyo. “‘Yung smoking kasi, the effect is longer. Parang mas chronic. Kaya ‘yung kinakata-kot natin sa smoking would be patients na nagkakaroon later ng COPD, cancer, heart disease at saka iba pang lung diseases. ‘Yung EVALI is an acute illness. It’s something that happens very quickly,” paliwanag ni Domingo.
Hindi ineendorso at nirerekomenda ng DOH ang vaping bilang alternatibo sa sigarilyo.
Iniulat ang pagbabawal sa Estados Unidos ng e-cigarettes dahil nagtataglay ang mga juice na inilalagay rito ng carcinogen o toxic na nagiging dahilan ng cancer.
Comments are closed.