DOST GUMAGAWA NG 500K REUSABLE FACEMASKS

DOST-OFFICE

DULOT ng kakulangan sa supply ng face mask sa bansa sa gitna ng umiigting na krisis bunsod ng coronavirus disease COVID-19, gagawa ang Philippine Textile Research Institute (PTRI) ng Department of Science and Technology (DOST) ng 500,000 piraso ng reusable face mask.

Sa ipinalabas na Facebook post ni Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña, inanunsiyo nito na maaring gamitin ng hanggang 50 beses ang gagawing face mask ng DOST-PTRI katuwang ang Taytay local government unit at pribadong sektor.

Aniya, sariling textile-coating technology ng PTRI ang gagamitin para sa treatment at finishing ng mga ilalabas nilang face masks.

Nabatid na magiging water repellent aniya ito para sa karagadagang proteksiyon kontra viruses at bacterial na kadalasang nakakalat sa pamamagitan ng water droplets. BENEDICT ABAYGAR, JR.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *