DRUG PUSHER TODAS, 12 PA HULI SA BUY-BUST

BULACAN-ISANG drug pusher ang napatay makaraang kumasa nang matunugang pulis ang katransaksyon sa buy-bust operation sa Barangay Tigbe,Norzagaray habang labing-dalawa pang drug suspects ang nakorner sa magkakahiwalay na anti-illlegal drug operation sa walo pang bayan at dalawa pang lungsod sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw at kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt Col.Avelino Protacio II,Chief of Police ng Norzagaray Municipal Police Station,ang suspek na si Christopher Gadia,itinuturong source ng droga sa nasabing bayan na namatay bunga ng tama ng bala sa katawan nito.

Nabatid na pasado alas-12 madaling araw kahapon nang magkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit(SDEU)ng Norzagaray police sa Barangay Tigbe na ang target ay Gadia ngunit nakatunog ito na pulis ang binentahan ng shabu at nanlaban kaya napatay.

Narekober sa suspek ang isang caliber 38 revolver,pitong pakete ng shabu at P500 bill marked money .
Samantala,12 pang drug suspects pa ang nadakip ng SDEU operatives sa mga bayan ng Marilao,Bocaue,Balagtas,Obando,Pandi,Plaridel,Baliwag,San Rafael at sa siyudad ng Meycauayan at Malolos sa serye ng buy-bust operation at nakarekober ang awtoridad ng shabu,damo,drugs paraphernalias at buy-bust money. MARIVIC RAGUDOS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *