DUTERTE ‘DI MAGSE-SELF QUARANTINE KAHIT LAGING KAUSAP SI SEC. DUQUE

Duterte-42

WALANG  planong mag self-quarantine ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Senador Bong Go matapos mapaulat na naka self-quarantine si Health Secretary Francisco Duque III na laging kausap ng presidente.

Ayon kay Go, mino-monitor naman ng mga doktor ang Pangulo.

Tuloy  ang Pangulo sa pulong sa Inter Agency Task Force on coronavirus disease 2019 (COVID-19).

GUMALING SA COVID-19 SA PH, 8 NA

Iniulat ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 217 ang bilang ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitatala  sa bansa.

Batay sa COVID-19 Case Bulletin #005 ng DOH, na inisyu pasado 4:00 ng hapon, nabatid na hanggang 12:00 ng tanghali ng Huwebes, ay naka-pagtala pa sila ng karagdagang 15 kaso pa, mula sa dating 202 kaso lamang, sanhi upang umabot na sa 217 ang confirmed COVID-19 cases sa Pilipi-nas.

Nabatid na ang mga bagong pasyente ay binigyan ng patient ID # na PH-202-PH217, ngunit wala pang ibinigay na detalye hinggil sa mga ito.

Samantala, nadagdagan  naman na ang mga pasyenteng nakarekober sa karamdaman at umakyat na sa walo.

Pinakahuling nakarekober mula sa karamdaman si PH20 na isang 48-anyos na lalaki mula sa Cavite.

Bumiyahe siya sa Japan at naadmit sa Research Institute for Tropical Medicine noong Marso 7.

Nitong Marso 19 ay pinayagan na itong makalabas ng pagamutan matapos na dalawang ulit magnegatibo ang COVID-19 test na isinagawa sa kanya.

Iniulat na rin naman ng DOH na nananatili sa 17 ang bilang ng mga pasyenteng binawian ng buhay dahil sa sakit. Ana Rosario Hernandez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *