ECHAUZ SA PSA FORUM

Ernesto Echauz

MAGIGING pa­nauhin si sportsman at Standard Insurance Group Chairman Ernesto ‘Judes’ Echauz sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong araw.

Tatalakayin ni Echauz ang  duathlon at road race events ng cycling sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Vietnam kung saan may entries ang Philippine Navy-Standard Insurance Philippines.

Magbibigay rin siya ng updates sa local sailing, bilang presidente ng Philippine Sailing Association.

Ang weekly session na magsisimula sa alas-10 ng umaga ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *