EX-BRAZILIAN VOLLEYBALL STAR LEILA BARROS POSITIBO SA COVID-19

LEILA BARROS

NAGPOSITIBO si da­ting Brazilian women’s national team standout Leila Barros sa  coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang senadora na ngayon na si Barros ay kinakitaan ng mga sintomas ng virus at sumailalim sa real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) test kung saan ay nagpositibo siya.

Si Barros na hina­ngaan ng Filipino volleyball fans sa hosting ng bansa sa  World Grand Prix sa kaagahan ng 2000s, ay dumanas ng lagnat at pananakit ng katawan. Gayunman, sa ima­ging exams ay walang nakitang pagbabago sa kanyang baga.

Sa kanyang post sa Instagram ay sinabi ng three-time World Grand Prix champion at two-time Olympic bronze medalist na kumpiyansa siyang gagaling sa sakit.

Bagama’t dumaranas pa ng pananakit ng ulo, si Barros ay isasailalim sa home isolation alinsunod sa payo ng mga doktor.

Sa isa pang  post ay pinasalamatan niya ang mga nagdasal para sa kanya.

“This network of positive energy fills me with disposition. I have faith that soon I will recover. I pray that everyone who fights against this disease will have strength at this moment,” ani Barros.

Brazil ang pangalawa sa pinakatinamaang bansa dulot ng pan­demya sumunod sa USA na mayroong 1,866,176 kaso kung saan 72,151 rito ang binawian ng buhay as of July 13.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *