FACE TO FACE CLASSES (Masusing pag- aaralan ng IATF)

Carlito Galvez jr

MASUSING pag-aaralan ng The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang posibilidad na magsagawa ng physical classes sa basic education sa mga lugar sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., inaasahang makalipas ang holiday season ay mag-e-evaluate ang IATF sa mga figures kaugnay sa mga kaso ng COVID-19.

“We’ve seen that when it’s MGCQ, our policy is very lenient and we will see if we can have simulations this coming January,” sabi ni Galvez.

“The IATF will check everything and we are thoroughly studying if we will allow already the face to face classes for basic education,” wika ni Galvez.

Ang pahayag ay ginawa ni Galvez makaraang payagan ng IATF ang mga kabataang may edad 15 taong gulang pababa na makapunta sa mga mall na may kaakibat na ordinansa sa mga kinauukulang local government units at ang mga kabataan ay kasama ng kanilang mga magulang.

Kung papayagan aniya ng pamahalaan ang face to face classes ay may halos 16 milyong estudyante ang magiging “physically present” sa mga eskuwelahan.

“If that happens, the students could be “super spreader” of the COVID-19 and the government might find a hard time handling the situation,” dagdag pa ni Galvez.

“So, right now the IATF just wants to finish first the holiday season and we will evaluate the figures,” giit ni Galvez. EVELYN QUIROZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *