FACE TO FACE CLASSES SA MED SCHOOL APRUB

Harry Roque

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang face-to-face classes para sa medical classes gayundin ang allied programs ng iba’t ibang paaralan upang mapunan ang pangangailangan ng doktor.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan ang physical classes sa mga educational institution sa ibang lugar na nasa modified general community quarantine at general community quarantine para madagdagan ang mga bagong doktor na kailangan ngayon lalo na’t pandemya.

Nangangamba ang Pangulo na magkulang ang doktor sa bansa dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

“We will run out of doctors if we’re not going to continue with the face-to-face (classes) for the doctors and allied profession,” ayon kay Roque.

Ipinaalala rin ni Roque na una nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang face-to-face clinical internship program sa University of the Philippines-Philippine General Hospital. EVELYN QUIROZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *