FEMALE CAST NG ‘BUBBLE GANG’ PASALAMAT SA MAGANDANG SAMAHAN NG BUONG BARKADA

Bubble Gang

TRADEMARK  na sa pagi­ging  naughty o pil­yong mga jokes ang Bubble Gang na minsan ay medyo hotshotsbastos ang dating sa viewers ang mga biruan at kalokohan ng BG barkada.

Hindi tuloy naiwasan na tanungin ng press ang female cast ng Bubble Gang sa ginanap na presscon ng 24th anniversary ng gag show na napano­nood every Friday sa GMA-7 kung mayroon ba silang moment na hindi naging comfortable sa mga joke na pinagagawa sa kanila sa Bubble Gang?

Sabi ni Kim Domingo, alam naman daw ng lahat na nagsimula siya sa pa-seksi at wala siyang restriction noon kung anuman ang kanyang puwedeng  isuot  sa Bubble Gang.

Kahit na nga raw dumating ‘yung point na medyo hindi na siya ganoon kung magpaseksi ay ginagawa pa rin daw niya alang-alang sa kanilang  gag show.

“Thankful po ako sa lahat ng bumubuo ng Bubble Gang, kasi nire­respeto po nila kung anuman po  ‘yung gusto kong mangyari  ngayon.

“Napakalaki ng utang  na loob ko po talaga sa BG na until now, kahit na medyo nabawasan na ‘yung pagpapa-sexy ko, nandito pa rin po ako,” pahayag ni Kim

Ayon naman kay Valeen Montenegro, walang script ang writers ng show nila na hindi naman puwedeng ipalabas sa TV at maging dahilan para sila maging uncomfortable.

Biglang singit tuloy ni Paolo Contis na silang mga boys daw ang uncomfortable kapag kailangang magsuot ng sexy outfit ang mga girls dahil  sa sobrang kaseksihan ni Valeen.

Sabi naman ni Chariz Solomon, wala naman daw  ganu`n. Common  problem sa girls  ‘yung pagsusuot ng swimsuit, pero ‘yun daw sa kanya ay pinababawasan pa kapag masyadong sexy. Pinapababa pa raw ‘yung sa kanyang bandang singit.

“Ako kasi, I`m very comfortable with my skin. With my skin?! Kahit puro stretchmarks?! Charr! Ako, laban. Ang saya-saya kong maghubad. Charr!” say  ni  Chariz.

Dagdag pa ni Chariz, wala raw silang problema dahil open at healthy  ang communication nila sa show. Ang staff daw nila ang nag-a-adjust kung saan sila comfortable.

Sabi naman ni Lovely Abella, walang ganu`n  pero kapag may script na hindi raw maayos sa kanila ang joke sa dulo ay pinag-uusapan nila kung anong maganda pang-dulo.

Singit naman ni Ashley Rivera kung medyo bastos raw ang script ay hindi naman daw ‘yung tipong may laman. Trabaho lang daw.

Sabi  naman  ng  baguhang member ng BG na si Faye Lorenzo, walang  ganu`n. Minsan nga raw, kapag hindi sexy ang kanyang suot ay siya pa mismo ang nagre-reklamo.

Sabi naman ulit ni Paolo Contis, “Ang  puno`t  dulo  naman po ng Bubble Gang ay magpatawa, hindi po mambastos. Minsan lang, may konting  kabastusan, naughty. Pero ‘yung pagiging naughty  po, hindi po `yon  umaangat sa nota.

“Naughty  lang, no tigas! ‘Yung po, ‘yung ano namin, no tigas sa taping. Bawal po. Magkakapatid  po kami  rito. No tigas!” nakangiting say ni Paolo.

Ayon pa kay Paolo, more than 10 years na siyang semi-regular sa Bubble Gang at naging regular cast member lang siya magmula nang umalis si Ogie Alcasid.

“Nang  umalis  si  Ogie,  nagkaroon  ng  budget  at  marami  ka­ming  naging  regular. Ganu`n  kalaki  ang talent fee niya, kaya  thank you  kuya Ogie,  huwag ka nang babalik,” pagbibiro ni Paolo.

Buong pagmamalaki  rin ng BG barkada ang kanilang 24th anniversary  special presentation na two part  superhero telemovie na “The ScAven-gers” na mapanonood sa Nov. 15 and 22 pagkatapos ng One of the Baes.

AGA MUHLACH GUSTONG MAG-GUEST SA ‘ANG PROBINSYANO’

ACTIVE  na uli  si Aga Muhlach sa paggawa ng pelikula kaya  may nagtatanong  kung kailan naman siya gagawa ng teleserye.

“Honestly, I  really  want to try.  Let`s  see, sana. Naghihintay lang ko na may mag-offer,” aniya.

Hindi  naman ikinakaila ni Aga na sadyang mapili lang siya talaga sa mga proyektong kanyang gagawin.

“Hindi naman ako magiging  plastic.  Oo, naman, medyo mapili talaga, pinipili ko ang gagawin ko siyempre at this point  in time, kahit naman noon pa, even when they offering me soap in TV. Pinipili ko talaga,” say pa ni Aga.

Pero sa ngayon, kung mayroon daw siyang gustong teleserye na gawin ay maging guest sa “FPJ`s Ang Probinsyano.”

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *