FIRST AID KITS DONATION NG RCSJN MALAKING TULONG SA BFP

MALAKING pakinabang sa BFP La Paz Fire Station ang mga first aid kit at emergency/tool equipment na ibinigay ng Rotary Club of San Juan Neopolitan sa pangunguna ni Transforming President Cesar J. Pangan.

Sa pahayag ni TP Pangan na isa ring miyembro ng BFP, ang mga donasyong first aid kit at iba pang emergency/rescue tools and equipment ay magiging available rin sa lahat ng BFP Fire Station upang matugunan ang emergency assistance tulad ng vehicular accident.

Isa sa layunin ng Rotary Club of San Juan Neopolitan na suportahan ang lahat ng fire stations upang makatugon sa pagtaas ng bilang ng vehicular accident sa area of responsibility (AOR).

Magugunita na noong Pebrero 22 ng hapon, rumesponde ang crew ng La Paz Fire Station, Makati City sa naganap na vehicular accident sa pagitan ng motorcycle driver at SUV sa panulukan ng Archimedes at Caton Streets sa Brgy. La Paz, Makati City.

Bitbit ang first aid kit at emergency/rescue tools kung saan mabilis na nalapatan ng lunas ang motorcycle driver ng Metromart delivery na si Danilo Marquez ng Pasay City at naisugod kaagad sa Ospital ng Makati.

Samantala, pinasalamatan naman ni P/Supt. Flor-ian Guerrero ng Makati City Fire Director ang Rotary Club of San Juan Neopolitan sa ibinigay na first aid kit at iba pang emergency/rescue tools at equipment na mas magpapaigting sa kapasidad na makapagserbisyo sa publiko.

“As mandated by law, the BFP aside from performing its basic function of preventing and suppressing the destructive fires, we are likewise, mandated to respond to man-made and natural disasters and other emergencies” dagdag pa ni Guerrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *