GALVEZ AT DUQUE NANGUNA SA PAGPAPABAKUNA

Karlo Nograles

NANGUNA sina National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III na nabakunahan ng first dose ng China-based drugmaker na Sinovac Biotech.

Kabilang din sa mga nabakunahan sa Philippine General Hospital na isa sa mga venueng roll out ng national immunization program ng pamahalaan sina PGH director Herardo Legaspi, MMDA Chairman Benjamin Abalos Jr., FDA director general Eric Domingo, BCDA President/CEO Vivencio Dizon  na sinundan ng mga medical frontliners doon.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang paglahok sa vaccination activities ng mga miyembro ng opisyal ng pamahalaan ay naglalayong pataasin ang kumpiyansa ng publiko sa COVID-19 vaccines.

Prayoridad na babakunahan ang mga health care workers, frontline essential at uniformed personnel.

Ang iba pang ospital ng gobyerno kung saan ang first doses ng COVID-19 vaccines ay sinimulan  ay kinabibilangan din ng Lung Center of the Philippines, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, East Avenue Medical Center at Philippine National Police General Hospital.

Ayon kay Nograles, ang pagbabakuna sa mga government official ay naglalayong ipakita na ang COVID-19 vaccines na nakakuha ng EUA (Emergency Use Authorization) mula sa FDA  ay ligtas at napatunayan na epektibo upang maiwasan ang COVID-19.

“Nandito kami ngayon upang masiguro at ipakita na ang tanging hangad namin ay ‘yung mas makabubuti para sa ating mga kababayan hinggil sa roll out ng vaccination program ng gobyerno” sabi pa ni Nograles.

Muling inulit ni Nograles ang kanyang garantiya na ang lahat ng bakunang bibilhin ng gobyerno ay sasailalim sa mahigpit na pagsusuri at wastong proseso ng pagpili ng FDA upang matiyak ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga ito.

Ayon sa Department of Health, ang second dose ng Sinovac vaccine ay ibibigay pagkaraan ng lapat na linggo. EVELYN QUIROZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *