GAVINA BAGONG HEAD COACH NG RAIN OR SHINE

Chris Gavina

ITINALAGA ng  Rain or Shine Elasto Painters si Chris Gavina bilang kanilang bagong head coach bago ang pagsisimula ng 2021 season ng PBA.

Ginawa ng Elasto Painters ang anunsiyo sa kanilang social media accounts kahapon.

“We are excited to announce the appointment of Chris Gavina as Rain or Shine’s Head Coach,” ayon sa koponan.

“He brings with him several years of experience as a coach in both the PBA and MPBL.”

Pinalitan ni Gavina si Caloy Garcia bilang chief tactician ng Elasto Painters.  Si Gavina ay nagsilbing assistant coach ni Garcia magmula noong 2018.

Gayunman ay hindi aalis si Garcia sa Rain or Shine kung saan magsisilbi siyang active consultant at mananatiling head mg basketball operations.

Ang naunang coaching stint ni Gavina sa PBA ay sa Mahindra franchise noong 2016, kung saan iginiya niya iito sa kanilang unang quarterfinal appearance sa  Governors’ Cup. Ginabayan din niya ang Bacoor Strikers sa MPBL.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *