GLOBE LIBRENG TAWAG, LIBRENG CHARGING, AT LIBRENG WIFI SA LAGUNA AT MARINDUQUE NAKAHANDA NA

globe libreng tawag

NAKAHANDA na ang serbisyong Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi ng Globe sa ilang mga lugar sa Laguna at Marinduque na naapektuhan ng Bagyong Jolina.

Ang tulong sa komunikasyon ay magagamit hanggang Setyembre 12, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa mga sumusunod na lokasyon:

Covered Court, Brgy. Malibago, Torrijos,Marinduque

Covered Court, Brgy. Sayao, Mogpog, Marinduque

Dela Paz Elementary School (Main), Binan, Laguna

Malaban Elementary School, Binan, Laguna

Nauna rito ay nagbigay rin ng serbisyo ang Globe sa Borongan City, Eastern Samar at Sta. Margarita, Western Samar, kung saan unang nag-landfall si ‘Jolina’.

Bilang bahagi ng paghahanda para sa sakuna, tiniyak ng kompanya  na ang mga tauhan nito ay laging nakahanda sa ano mang pangangailangan ng publiko.  May mga generators din na nakaantabay  para magamit ng mga pasilidad sakaling mawalan ng koryente.

Nagbibigay rin ang Globe sa mga customer nito ng libreng data access sa website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council website:  https://ndrrmc.gov.ph/  kung saan makakakuha sila ng mga update mula sa mga awtoridad.

Muling pinaalalahanan ng Globe ang bawat isa na tangkilikin lamang ang mga lehitimo at pinagkakatiwalaang website para sa tamang impormasyon.

Ang bagyong Jolina ay nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility subalit t humigit-kumulang 28,444 na pamilya o 109,680 na katao ang napilitang lumikas dahil sa pagbahang dulot ng malakas na pag-ulan.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang Globe Bridging Communities: https://www.facebook.com/GlobeBridgeCom  o bisitahin ang www.globe.com.ph  para sa pinakabagong #StaySafePH advisories.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *