GLOBE MAS PINALAWIG ANG 5G NETWORK SA BANSA

GLOBE 5G

NANGUNGUNA pa rin ang Globe sa pagkakaroon ng 5G sa Filipinas  kung saan 1,069 na lugar na ang may access sa pinakabagong henerasyon ng wireless technology.

Sa kasalukuyan, ang Globe ang may pinakamalawak na 5G footprint sa bansa dahil sa agresibong pagtatayo nito ng mga network at cell tower.

Ang 5G coverage ng Globe ay available na sa 848 na lugar sa Metro Manila at Rizal; at sa 221 na lugar naman sa Visayas at Mindanao. Ang 5G ang pinakabagong wireless technology na mas mabilis, mas malaki ang bandwidth at mas maaasahan ang internet connection.

“Gusto lang namin sa Globe na maranasan ng mga subscribers namin ang mga posibilidad at potensyal na dala ng 5G technology. Ang maihatid ang serbisyo ng 5G technology sa mas maraming customers ay isa sa mga layunin ng Globe para makapagbigay ng kalidad sa buhay na nararapat sa kanila,” sabi ni Ernest Cu, President at CEO ng Globe.

Sa Visayas, mayroon nang 5G sa Negros Occidental, Cebu, Iloilo, at Aklan. Accessible din ang 5G sa Misamis Oriental at Davao del Sur. Sa timog na bahagi naman ng Luzon, mayroon na ring 5G sa piling mga lugar sa Laguna at Bulacan.

Patuloy na sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals lalo na ang UN SDG No. 9 na kumikilala sa kahalagahan ng imprastraktura na siyang magtutulak sa pag-unlad ng ekonomiya. Layunin ng Globe na ituon ang atensiyon nito sa pagtupad ng 10 United Nations Global Compact principles at 10 UN SDGs.

Para sa iba pang impormasyon ukol sa 5G at epekto nito sa kalusugan, entertainment at iba pa, maaaring makinig sa podcast ng Globe sa Spotify: glbe.co/PossibilitiesPodcast. Para naman sa iba  pang kaalaman sa 5G, bisitahin ang: globe.com.ph/5g

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *