GUIDELINES PARA SA MGA NASA ECQ, MECQ ISASAPINAL NG IATF

IATF-GCQ

MAGPUPULONG sa susunod na linggo ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) hinggil sa posibleng kahinatnan ng mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Sa isang panayam, sinabi ni IATF at Presidential Spokesman Harry Roque na isinasapinal na ng IATF ang bagong guidelines para sa mga lugar na nasa ECQ, MECQ at general community quarantine (GCQ).

Aniya, dapat kasi na matiyak na ng pamahalaan ang susunod na hakbang lalo na’t nalalapit nang magtapos ang mga umiiral na protocols sa ilang mga lugar sa darating na Mayo 31.

Giit pa ni Roque, mahalaga kasing maging malinaw ang  protocols partikular na sa GCQ areas lalo na’t lahat ng lugar sa bansa ay kailangan ding ilipat sa GCQ. DWIZ882

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *