GUN-FOR-HIRE MEMBER PATAY SA ENCOUNTER

BULACAN-ISANG miyembro ng criminal gang at gun-for-hire group ang napatay makaraang paputukan ang mga operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) at San Ildefonso police na nakatakdang maghain ng search warrant sa kanyang tirahan sa Barangay Bubulong Malaki,San Ildefonso ng lalawigang ito noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Gilbert Cruz y Sayco,residente ng Riverside 2,Barangay Bubulong Malaki, San Ildefonso ay miyembro ng Viray group na sangkot sa gun for hire operation na kumikilos sa ikatlong distrito ng Bulacan,Nueva Ecija at Pampanga na nasawi sa engkuwentro bunga ng tama ng bala sa kanyang katawan.

Nabatid na dakong ala-6:30 ng umaga nang maganap ang engkuwentro habang nakatakdang maghatag ng search warrant na inisyu ni Judge Albert R. Fonacier,1st Vice Executive Judge Branch 76 City of Malolos, ang operatiba ng Bulacan PIU sa pangunguna ni Bulacan PIU Chief,P/Major Jansky Andrew Jaafar sa tirahan ng suspek sa Riverside 2,Barangay Bubulong Malaki kasama ang San Ildefonso police.

Pagkatok ng mga awtoridad sa bahay ng suspek ay sunod-sunod na putok ng baril ang iginanti kaya’t nauwi sa palitan ng putok hanggang sa mapatay si Cruz.

Narekober sa lugar, ang isang caliber 45 pistol,tatlong magazines ng nasabing baril,mga basyong bala ng ibat-ibang uri ng baril at ibat-ibang uri rin ng mga live bullet. MARIVIC RAGUDOS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *