GURO, NURSE PISAK SA TRUCK

18 WHEELER TRUCK

NEGROS OCCIDENTAL-PAREHONG inabot ng kanilang dagliang kamatayan ang isang guro at isang nurse na magka-angkas sa motorsiklo nang magulungan ng kasabay na 14 wheeler truck habang papasok sa kanilang pinag-tatrabahuhan kamakalawa ng hapon sa Cadiz City ng lalawigang ito.

Ayon sa report ng Cadiz City Police Station, kinilala ang mga nasawi na sina John Paul Ladrillo, 30-anyos, nurse ng Cadiz District Hospital at ang backride nitong si John Eurich Depasupil, guro sa Vicente Patricio Memorial Elementary School sa Barangay Magsaysay, Cadiz City

Kasalukuyang nakaditine naman sa Cadiz City Police Station ang driver ng 14-wheeler truck na may kargang mga tubo na si Mario Bendevel ng Barangay Malasibog, Escalante City.

Sa inisyal na pagsisiyasat, kapwa binabagtas ng truck at ng motorsiklo ang daan pa-south direction nang tangkaing mag-overtake ng mga biktima sa kanang bahagi ng truck.

Subalit, dahil kasalukuyan umanong sumasailalim sa road repair ang daan sa lugar, nawalan ng kontrol si Ladrillo kaya’t natumba sila  at nagulungan pa ng kasabay na truck.

Dead on the spot ang angkas na si Depasupil habang namatay naman habang nilalapatan ng lunas  si Ladrillo. VERLIN RUIZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *