(Habang patuloy ang sigalot ng Amerika at Iran) DIPLOMASYA HINDI MILITARY ANG MANANAIG SA OFW RESCUE OPS

IMEE MARCOS

PINAG-IINGAT ni Senadora Imee Marcos ang gobyerno sa plano nitong  pagpapadala ng mga sundalo para sa isasagawang military transport at tulungang ilikas ang mga OFW sa Middle East.

Ani Marcos, , maaaring magduda ang mga bansang dadaanan ng mga OFW at makasagabal ang paglikas kung military ang mangu­nguna sa rescue operations, habang umiiral ang kasunduan ng Filipinas at Amerika ukol sa suportang militar na tinatawag na Mutual Defense Treaty.

“Sanay at trabaho talaga ng DFA ang ma­kitungo sa mga bansa, at ang pag-evacuate ng mga OFW ay tungkulin ng DFA, DOLE at ng mga pulis na sinanay ng DFA,” dagdag pa ng senadora.

Balak ng gobyernong magpadala ng mga sundalo, barko at  eroplano para tulungang makauwi ang mga OFW, at pinadala na si Environment Secretary at Special Envoy to the Middle East Roy Cimatu sa Qatar.

Ayon kay Marcos,  bakit hindi man lang nabanggit ng gobyerno ang pakikipag-ugnayan sa United Nations na may mga site camps sa Middle East na maaaring pagdalhan pansamantala sa mga OFW na lumilikas.

“Dapat makipag-ugnayan si Secretary Cimatu sa UN na may maraming mga tauhan sa Middle East, kabilang ang mga Pilipino (sic),” sinabi ni Marcos.

Paliwanag pa nito, hindi sana nagiging kumplikado ngayon ang mga rescue operation para sa mga OFW kung naitayo kaagad ang National Overseas Employment Authority.

Una nang inihain ni Marcos ang Senate Bill 407 na naglalayong maitayo ang NOEA na tututok lamang sa  concerns ng OFWs. VICKY CERVALES

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *