(Habang pinipigilan ng hog raisers ang ASF) DEMAND SA PORK MEAT BUMABA

Karne ng baboy

BUMABA ang demand ng karneng baboy ng humigit-kumulang sa 30 porsiyento mula nang magkaroon ng outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa bansa, pahayag ng umbrella group ng hog growers kamakailan habang siniguro nila ang sapat na supply ngayong darating na Kapaskuhan.

Ang pagbaba ay ramdam lalo sa Luzon, kung saan may mga kompirmadong kaso ng sakit at “very minimal” sa Visayas, Mindanao at Mimaropa region, ayon kay  Chester Tan, presidente ng National Federation of Hog Farmers.

Mahilig kumain ng karneng baboy ang mga Pinoy, na may taunang konsumo na umaabot sa 14 hanggang 15 kilos per capita, pahayag ni Tan.

May mga 20,000 baboy na ang na-cull para maiwasan ang ASF, na katumbas ng 1 porsiyento ng kabuuang 12.7 milyong populas­yon.

Sa  mga na-cull na baboy, halos ikatlong bahagi ang apektado ng sakit habang ang natitira ay pinatay dahil sila ay malapit sa lugar sa loob ng 1 kilometer radius.

Dagdag pa nito, na ang kanyang grupo ay gumagawa ng color-coding scheme para matulungan na mahinto ang pagkalat ng sakit.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *