HEALTH EXPERTS NAGPAALALA SA MGA NAGBIBISIKLETA

NAGPAALALA ang mga medical expert sa mga nagbibisikleta ngayong wala pang masasakyang bus at jeep  para sa mga pumapasok sa trabaho.

Ayon kay Dr. Susan Mercado, hindi  masamang magbisikleta, ito ay magandang exercise, pero dapat ay warm up muna, mag-exercise  bago sumakay ng bike.

Payo pa ni Mercado, pakinggan ang katawan at kapag napapagod ay uminom ng tubig  o pumunta  sa lugar na malilim.

Biyernes ng umaga  nang  masawi ang isang construction worker na bumagsak habang sakay ng bisikleta at binabaybay ang EDSA patungo sa site sa Bicutan, Taguig  Biyernes ng umaga.

Nakahandusay na sa kalsada ang biktimang si Enrique Minerva, 57-anyos, nang datnan ng mga rumespondeng tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Edsa Traffic Management chief Bong Nebrija, ang biktima ay dating MMDA employee na ngayon ay  nagtatrabaho sa construction matapos magretiro sa ahensiya.

Sa pahayag naman ng  kaanak ng biktima, may sakit ito sa puso at masama umano ang pagbagsak  ng ulo nito sa semento.

Isinugod  pa ang biktima sa Makati Medical Center, ngunit  hindi na ito umabot ng buhay.

Sinasabing ang pagbibisikleta ay ang bahagi na ng new normal pagdating sa transportasyon. PILIPINO MIRROR Reportorial Team

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *