HEALTH PROGRAMS IPASOK SA CURRICULUM

DOH

PLANO na rin ng Department of Health (DOH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na isama sa school curricula ang programang pangkalusugan para sa Junior at Senior high  school.

Sa pahayag ni DOH-Calabarzon Regional Director Eduardo Janairo sa isang pulong sa “Intersectoral Meeting in Co-creating an Effective School Health Program in Calabarzon” na malaking epekto at maitutulong sa ating public education system kung sa murang edad pa lamang ay maisasama na ang programang pangkalusugan sa mga bata.

Dagdag pa ni Janairo na kung maagang maituturo ang health literacy program sa mga bata ay maiiwasan ang health risk behaviour, at  lifestyle-related deseases dahil mas marami ang nailalaan nilang oras sa loob ng eskuwelahan.

“To achieve health literacy, effective health education programs must be introduced at an early age because cognitive, physical and emotional development including health-related behaviors and skills development take place at this time” ayon kay Janiaro.

“Mas magkakaroon nang malaking epekto kung ito ay masisimulan nang maaga. At malaki ang maitutulong ng ating public education system, partikular na rito ang paglalagay ng health literacy interventions sa school curricula kasama na rito ang tamang pagpopondo.”

“Responsibilidad natin na mabigyan ng tamang edukasyong pangkalusugan ang mga batang mag-aaral upang sila ay lumaking may tamang karunungan at kaalaman sa tamang pangangalaga ng kanilang katawan. Kasama na rito ang patnubay ng kanilang mga magulang.” paliwanang ni Janairo.

Plano ni Janairo na pagsamahin na lamang ang kasalukuyang programa ng DOH at Department of Education (DepEd) kabilang ang pagkalat ng mga communicable diseases, tamang healthy life-style, physical activity, tamang nutrition at pag-iwas sa paninigarilyo at pag-inom ng alak para sa mga kabataan. PAUL ROLDAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *