HEART EVANGELISTA DUROG ANG PUSO SA SINAPIT NG MGA HAYOP SA TAAL

HEART EVANGELISTA

MAY kanya-kanyang share ang mga showbiz people sa mga kababayan natin nawallface naging biktima ng nag-aalborotong Bulkang Taal.

Halos madurog ang puso ni Heart Evangelista sa mga makabagbag-damdaming sinapit ng mga hayop na biktima rin ng naturang pagsabog lalong-lalo na ang mga aso.

Kilala si Heart na malapit ang puso sa mga aso. Ilang askal na ba ang kanyang dinampot sa kal­ye at inalagaan.

Kaya nga kaagad na pumunta at naghatid ng kanyang tulong sa mga asong suwerteng nasagip sa nasabing sakuna.

Sa social media account ni Heart, ay makikita kung paano binibigyan ng pagmamahal ang mga asong nanghihina at biktima ng ashfall, na nasagip ng Phillipine Animal Welfare Society o PAWS.

Bilang tumatayong tagapagsalita ng PAWS, nanawagan si Heart sa mga kababayan natin na sana ay magbigay-tulong din sa mga pa­ngangailangan ng mga hayop na nasagip tulad na lang ng mga cow feed, chicken feed, dog food, cat food, bottled water at pet bowls. Pwede raw ipadala ang mga donasyon sa PAWS shelter.

At bilang pasasalamat nang PAWS sa aktres ay nag-post din sila sa kanilang Facebook page ng mga larawan kuha sa ginawang sorpresang pagbisita ni Heart sa shelter.

BELA PADILLA WALA PA RING BF, ‘DI MAKA-MOVE ON?

PAKAKASAL na lang ang ex-BF ni Bela Padilla na si Neil Arce sa fiancee nitong si Angel Locsin, ay nananatiling tahimik pa rin ang personal na buhay ni Bela. Walang ingay kung mayroon ba o wala siyang karelasyon ngayon, showbiz guy man o hindi.

Parating na naman ang Araw ng mga Puso, ang mayroon lang ibabahagi sa araw na ito ni Bela sa kanyang followers ay isang pelikula niya at hindi ang bagong boypren.

Tulad last year, sila ulit ni JC Santos ang magkasama para sa isang pre-Valentine movie na may pamagat na “On Vodka, Beers and Regret”.

Bakit naman tila natatagalan si Bela na magkaroon muli na panibagong lovelife, halos taon na rin ang lumipas na zero o bokya ang lovelife niya. Hindi kaya mahal pa rin niya si Neil at hindi pa talaga siya totally nakapagmove-on sa relasyon nila?

Ani Bela, ibang klase raw talaga siya magmahal, binibigay niya raw ang kanyang pagmamahal ng buong-buo at sagran talaga. Parang bakla lang ang peg?

At kung mahal pa niya ang dating boypren, say ni Bela pag tinapos naman daw niya ang isang relasyon, tapos na raw talaga iyon at totally moving on na siya. Kumbaga past is past na for Bela.

Hindi man bongga ang kanyang lovelife, winner naman ang showbiz career ni Bela. After the mega hit nila ni Aga Muhlach na ‘Miracle in Cell #7’ ay may kasunod na movie siyang ilalabas na rin.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *