IBINEBENTANG BAHAY NI JAMES REID DEDMA SA BUYERS

HINDI na natuloy ang pagbebenta ng three-storey house ni James Reid na matatagpuan sa Loyola Grand Villas subdivision sa Quezon City. hotshotsBase ito sa latest post ng actor na kung saan nasa isang parte siya ng kanyang bahay na makikitang  may red sofa na naging controversial dahil nasa background ang larawan nila  ni Nadine Lustre na hindi nakaligtas sa mata ng kanilang fans.

Nangangahulugan daw kasi na magkasama ang dalawa nang mag-selfie at i-post nila sa kanilang IG story.

Kinilig ang fans ni Nadine dahil inakala ng mga ito ay nagpunta si James sa condo ng aktres. Pero dahil sa post ni James ay nanga­ngahulugan na kuha ito sa bahay mismo ng actor at hindi sa tirahan ni Nadine. Ibig sabihin ay si Nadine ang nagpunta sa bahay ni James.

Tsika nga na nagkabalikan na raw ang dalawa pero marami rin ang tumutol dahil wala naman daw nangyaring break-up.

Going back sa house for sale ni James na hindi na raw natuloy ang pagbebenta dahil sa sobrang mahal kaya dinedma ng buyers.

From P82-M to P85-M kasi ito ibinebenta na parang hindi raw worth sa hitsura ng bahay.

Siguro kung nagkataon na super sikat pa si James Reid, hindi lang sa ating bansa, ay baka may bumili rito kahit sobrang mahal.

FORMER SEN. RAMON REVILLA SR. NAKAKA-RECOVER NA  

GOOD news na medyo nakaka-recover na ang daddy ni Senator Bong Revilla na si Ramon Revilla Sr. mula nang isugod nila ito sa ospital Ramon Revilladahil nahihirapan daw huminga.

Ang pamilya Revilla, sa pangunguna ni Senator Bong at Antipolo Mayor Andeng Revilla-Ynares, ay humihingi ng dasal  para sa patuloy na recovery ni Mang Ramon.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *